Huwebes, Setyembre 24, 2015

I'm One with God, I'm One with Christ, and I'm One with EVM!


Manila, Philippines
"LIfe challenges aren't here to break you. Life challenges are here to mold you, refine you, and make you into all you are intended to become."..."We are made wise not by the recollection of our past, but by the responsibility for our future" - By George Bernard Shaw..."For every minute you are angry, you lose 60 seconds of happiness"... Be Happy and Enjoy Life!

September 24, 2015

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA NATIWALAG NA MGA DATING MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO

Itong bukas na liham na ito ay akin pong ginawa ng KUSANG LOOB KO, AT WALA PONG NAGUDYOK SA AKIN, KUNDI ANG AKING SARILING BUDHI, AT ANG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.

At para po sa lahat ng makababasa nito, lalong lalo na po ng aking mga mahal na kapatid sa Iglesia Ni Cristo, ay minarapat ko pong ibahagi at talakayin, sa pamamagitan ng bukas na liham na ito, ang mga bagay na iniisip ko po, ay mahalagang malinawan at mas maunawaan pa. At sinikap ko po na ito ay aking magawa, sa tulong at awa po ng Diyos, at akay po ng aking pag-ibig sa Diyos, at ng aking pananampalataya sa Kanya, at ng aking pagmamahal sa aking mga kapatid sa loob ng Iglesia Ni Cristo at sa aming pong pinakamamahal na Tagapamahala, ang kapatid na Eduardo V. Manalo, na sinasampalatayanan ko rin po, na ang Diyos ang naglagay sa Kanyang Iglesia, upang maging tagapanguna sa Kanyang mga hinirang, sa pagsasagawa ng matuwid at marapat na pagsamba at paglilingkod sa Diyos, sa loob ng Iglesia Ni Cristo, na mula pa sa pagkabata, ay akin na pong minahal at patuloy kong mamahalin, habang ako po ay nabubuhay. Sapagka’t ito ang higit na kinikilala ko na, PINAKADAKILANG KAYAMANAN na ibiniyaya sa akin, at sa aking mga mahal sa buhay, ng Dakilang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

Nawa po, sa tulong ng Diyos, itong aking ibabahagi, ay magbigay nawa ng karagdagang kaalaman, at positibong pananaw at kaisipan para sa lahat, lalong lalo na po sa aming mga minamahal na kapatid sa Iglesia, At itong bagay na akin pong ilalahad, ay batay rin po sa mga banal na utos at mga aral ng Diyos, na akin pong natutunan, mula pa sa pagkabata, na akin rin pong sinampalatayanan at patuloy na sinasampalatayanan, sa loob ng Iglesia Ni Cristo, sa loob ng maramng mga taon, at batay rin po sa naabot ng aking pangunawa, at sa tulong ng Diyos.

At gaya po ng aking paunang mensahe na binanggit ko sa itaas, ako po, bilang isang simpleng kaanib ng Iglesia Ni Cristo, ay kusang loob ko pong ginawa ang bukas na liham na ito, at wala pong sinumang tao, na nagutos sa akin, at ito po ay bunsod ng aking taos sa puso na hangarin, na kahit papaano’y makapagbigay ng karagdagan kaunawaan, patungkol po sa isang bagay na ito na akin pong sinikap na talakayin, sa abot po ng aking makakaya at nauunawaan, batay po sa akin pong sinasampalatayanang banal na aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia, na itinuturo po sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

At ang mahagang bagay na ito na aking ibabahagi, ay maaring hindi po ito lubos na mauunawaan ng ibang mga tao, lalong-lalo na po ng iba naming mga mahal na kababayan, na hindi po namin kapananampalataya?, Sapagka’t ito po ay may higit na kinalaman sa amin pong sinasampalatayanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo. At dahil po dito ay, isang bagay lang po ang aking hihilingin mula po sa aming mga mahal na kababayan, na hindi po naming kapanalig? Na kung sakali na hindi po ninyo lubos na matatanggap o hindi po aayon sa inyong kagustuhan at paniniwala, ang mensahe ng sulat na ito, ay sana po, mabigyan niyo rin po ng kaukulang respeto at pangunawa ang akin pong ibabahagi, sapagka’t ito ang aking lubos na sinasampalatayan at pinaninindiganan, bilang isang kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

At sa pagkakataong ito ay nais kong magbigay ng sarili kong pananaw, tungkol sa mga sinasabi ng mga natiwalag na dating mga ministro ng Iglesia Ni Cristo, na ang isa sa kanila ay si Isaias T. Samson Jr.

Na di umano ay sila daw ay nagmamalasakit sa Iglesia Ni Cristo? kung kaya’t kanila raw ibinubunyag ang mga katiwalian, na kinasasangkutan di umano ng Sanggunian sa loob ng Iglesia?

At kaugnay nito, ang pauna kong masasabi para sa kanila ay ito…NAPAKALAKI NG PAGKAKAMALI AT KASALANAN NA NAGAWA NG MGA TIWALAG NA TAONG ITO SA HARAP NG DIYOS!

At kung bakit ko po nasabi ito ay talakayin muna natin, ang sa isip ko ay napakahalagang bagay na ito:

At ito ay ipatutungkol ko sa mga “EXPELLED MINISTERS” o mga tiniwalag na dating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. NA KUNG KANILANG MABABASA AY MAS MAKABUBUTI PARA SA KANILA! Para kahit papaano’y ay masiyasat nila ang kanilang mga sarili, na tunay nga na wala sila sa katwiran! Lalo pa’t kung ang mga kalooban ng Diyos ang paguusapan. At pawang mga walang saysay at halaga sa mata ng Diyos ang kanilang di umano ay pagmamalasakit sa Iglesia?  Kundi, ang kanilang ginagawa ay, lalo lamang humihila sa kanila pailalim, patungo sa kawalan ng pagasa at baluktot na daan! Na ang dulo niyaon ay ISANG MALAKING KABIGUAN at MANGANIB NA TULUYAN NA NGA, NA MAWALA ANG PAGKAKATAON NA MAKAPAGSISI PA?

At kung sakali na mabasa nila ito? Ay ang unang itatanong ko sa kanila ay ito, at alam ko na masasagot nila ito agad dahil sila ay naging ministro rin dati. At bagama’t ako po’y isang simpleng kaanib lang ng Iglesia, at hindi po ako ministro, ay minarapat ko pa rin, na itanong sa kanila ito, at mas maganda kung masasagot nga ito nina Isaias T. Samson Jr. at Joy Yuson (alias “Kelly Ong”), at mga iba pang kasama at kapanalig nila?

At ito ang aking simpleng tanong para sa mga taong ito…Kapag ang isang bagay ba na hindi sa inyo? ay makatwiran ba na inyong pakialaman? Kung hindi nila masagot ito agad, ay ako na ang sasagot para sa kanila, dahil alam ko na ang marapat lang na kanilang isagot o itugon sa tanong ko ay… SIYEMPRE NAMAN, KUNG HINDI NAMAN AMIN EH, BAKIT NAMIN PAKIKIALAMAN? At ito naman ang isasagot ko sa kanila…MAGALING ANG MGA SAGOT NIYO AT TAMA!

At ito naman ang aking pangalawang katanungan para sa mga taong ito…AT KUNG HINDI NGA MARAPAT NINYONG PAKIALAMAN? MARAPAT RIN BA NINYONG PAGMALASAKITAN DI UMANO? KAHIT NA HINDI NAMAN SA INYO AT HINDI NAMAN KAYO BINIBIGYAN NG KARAPATAN NG PAMAMAHALA SA IGLESIA UPANG MAGMALASAKIT? AT WALA RIN KAYONG KARAPATAN MULA SA DIYOS UPANG IPAGMALASAKIT ANG KABAN YAMAN NG DIYOS! Ano ngayon ang itutugon niyo rito?

Ako na rin ang sasagot para sa kanila? at maaari nga lang na hindi ito ang isasagot nila? Pero sasabihin ko na rin ang maaari isa sa mga katulad ng tatlong mga halimbawa ng katugunan, nakasulat sa ibaba ang maaaring maging kasagutan nila(na maaaring halos pareho ng kahulugan ng sasabihin nila)? O meron silang isasagot na mula sa kanilang mga bibig? At kung meron man ay iyon ang ating hihintayin!

ANG ISA SA MGA NAKASULAT SA IBABA, ANG MAAARING MAGING TUGON NG MGA NATIWALAG NA MGA DATING MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO, Basahin po natin...

1. EH KASI, GUSTO LANG NAMIN NA IPAGMALASAKIT ANG PERA(di umano?) NG IGLESIA EH.

2. EH KASI, GUSTO LANG NAMAN NAMIN IBUNYAG ANG KATIWALIAN(di umano?) ng Sanggunian?

3. EH KASI, MAHAL NAMIN ANG PAMAMAHALA(di umano?), KAYA GUSTO RIN NAMIN NA MALAMAN NIYA NA MAY GINAGAWANG KATIWALIAN(di umano?) ANG SANGGUNIAN, NA NILAGAY NIYA, BILANG PANGUNAHING KATUWANG AT PINAGTITIWALAN NIYA SA LOOB NG IGLESIA?

Ngayon, ito ang kasunod kong tanong sa mga taong ito…Noong kayo’y hindi pa natitiwalag sa Iglesia ay alam kong naghahandog rin kayo ng kusa para sa Diyos di ba? Siyempre, naniniwala ako na ang isasagot ng mga ito ay (na posibleng sabay-sabay pa?), ang malakas na sagot na OO NAMAN!

Samakatuwid, ito uli ang tanong ko sa kanila…Kapag naihandog niyo na ba sa Diyos, ng kusang loob niyo, ang abuloy niyo?, kung magkano man ang halaga na galing sa mga puso niyo?, ay sa inyo pa ba iyon? O SA DIYOS NA?

Siyempre, sigurado ako, at 101 percent sure, na ang itutugon ng mga ito(na marapat lang)sa tanong na ito ay…SIYEMPRE HINDI NA SA AMIN IYON at SA DIYOS NA IYON!..

MAGALING! yan ang mabilis na itutugon ko sa kanila!

At ito pa ang kasunod na tanong ko sa kanila uli…ALAM NIYO NA PALA NA HINDI NA SA INYO! BAKIT PINAKIKIALAMAN NIYO? BINIGYANG BA KAYO NG DIYOS NG KARAPATAN NA PAKIALAMAN ANG KANYANG KABANG YAMAN? SA MALIKOT AT MAGULO NINYONG KAISIPAN? HUWAG NINYONG IPANGAHAS NA SASABIHIN NA PAKIRAMDAM NIYO, KAYO ANG GINAGAWANG KASANGKAPAN NG DIYOS? DAHIL KAPAG SASABIHIN NIYO 'YAN? ITO NAMAN ANG SASABIHIN KO SA INYO...UGAIN NIYO NGA ANG MGA ULO NINYO! DAHIL, BAKA NANANAGINIP KAYO NG DILAT ANG DALAWANG MGA MATA NIYO? O BAKA NAMAN TATANGKAIN NIYO NASABIHIN NA NAGINIP NGA KAYO? AT SASABIHIN NIYO NA KAYO ANG INUTUSAN NG DIYOS? AT KAPAG 'YAN NAMAN ANG SASABIHIN NIYO? ITO ULI ANG SASABIHIN KO NAMAN SA INYO...MAGBULAY-BULAY NGA KAYO! KUNG MERON PA KAYONG MGA BUDHI NA MASASAGOT NG TAMA ANG ITATANONG KO NA ITO...HUWAG NIYO SABIHIN NA, SA PAKIRAMDAM NIYO BA? MAS KARAPAT-DAPAT BA KAYONG BIGYANG NG DIYOS NG KARAPATAN PARA IPAGMALASAKIT ANG KABANG YAMAN NG IGLESIA, KAYSA SA PAMAMAHALA NA TUNAY NGA ANG DIYOS ANG NAGLAGAY SA IGLESIA. ANO ANG ISASAGOT NIYO? AT KUNG MASASAGOT NIYO ITO, AY SAGUTIN NIYO NG NAKAHAWAK ANG KAMAY NIYO(kaliwa o kanan)sa MGA DIBDIB NIYO, PARA UNG BUDHI NIYO(sana nga may budhi pa kayong marunong sumagot ng matuwid?) ANG SASAGOT PARA SA INYO?

Ngayon, balikan natin muli, ang tungkol sa kusang loob na paghahandog sa Diyos. At batid ko, Alam na alam rin ito ng mga tiwalag na mga dating ministro sa Iglesia, na kapag naihandog na ang kusang handog ng mga kaanib sa Diyos, ay totoong hindi na dapat pang maghangad ng anumang kapalit o kondisyon, At kung sila ang tatanungin ko kung hindi pa nila nalilimutan ang tungkol sa bagay na ito ay, naniniwala ako na ang isasagot nila…maaaring magalang na OPO! (magalang ah?)  at maaaring may kasunod pa na ganitong tugon na...“SIYEMPRE WALA KAMING INAASAHAN NA ANUMANG KAPALIT MULA SA DIYOS?)…At ang aking mabilis na tugon uli sa kanla ay, IYAN NAMAN ANG DAPAT! Dahil kusang loob natin na inihahandog sa Diyos ang mga abuloy natin para sa Kanyang kapurihan at kaluwalhatian at wala tayong hinihinging anumang kapalit o anumang kundisyon(ito ay para rin sa kaalaman ng lahat ng aming mga kababayan kahit hindi po kaanib sa Iglesia.)

Ito ngayon ang sasabihin ko kanila, na mga tinawalag na dating ministro sa Iglesia…
Alam niyo na ang kusang loob na abuloy na tinutupad ng mga tapat na kaanib ay bilang pagsunod sa utos ng Dios na nakasulat sa Biblia, at kapag naihandog na ay sa Diyos na, at walang sinumang maaaring makialam at mamahala nito o may karapatan na magpasya kung anu-ano ang magiging kaukulan nito, kundi ang Pamamahala lamang ng Iglesia Ni Cristo, na alam rin ninyo na mula sa Diyos. Sapagka't ang Diyos ang naglagay sa Pamamahala sa Iglesia, para manguna sa pangangasiwa, sa lahat ng bagay o aspeto na may kinalaman sa paglilingkod ng mga tunay na hinirang ng Diyos. At kung sinuman, ang bibigyan Pamamahala ng Iglesia, ng karapatan, o tungkulin, kaugnay ng masinop na pagsasaayos ng pananalapi ng Iglesia, ay walang karapatan ang sinuman na magtanong kung ano man ang magiging kapasyahan niya! Sapagka’t sumasampalataya ang lahat ng tunay at tapat na kaanib ng Iglesia, na ang pasya ng Pamamahala, ay may pagkasi at patnubay ng Diyos, dahil nga ang Diyos ang tunay na naglagay sa Pamamahala sa Iglesia, upang manguna sa Kanyang banal na bayan.

At ito pa ang karagdagang sasabihin ko sa mga tiwalag na ministrong ito, at ganito ang aking bibigyan ng diin at sasabihin na… alam niyo rin ang kusang loob na abuloy o handog ng Iglesia ay HINDI KATULAD NG BUWIS NA SINISINGIL NG GOBYERNO sa lahat ng mga kinauukulan, na NAAAYON NAMAN SA BATAS, para gamitin sa mga kaukulan, gaya ng mga pagpapatayo ng mga “Insfrustructure”, mga silid-aralan, pagamutan, at iba pa, na ang makikinabang rin ay ang pangkalahatan, na mamamayan ng ating bansa. AT KAPAG MAY NABABALITAAN TAYO NA TAONG MAY NANGURAKOT O KURAPSYON DI UMANO? AY HINDI TALAGA MAIIWASAN NA TAYONG LAHAT AY MAGALIT! Sapagka’t, para sa ating mga simpleng mamamayan na naghahanap-buhay para sa ating mga mahal sa buhay, NA BINABAWASAN ANG ATING MGA SALAPI NA ATING PINAGPAGURAN, NG KAUKULANG BUWIS, ay magiging masakit nga ang ganun pangyayari, kung may kurapsyon nga sa ilang sangay ng Gobyerno na mapapatunayan? Na maaaring kasangkutan ng ilang opisyal ng Gobyerno? Sapagka’t ang magiging pakiramdam natin ay, tayo rin ang kanilang ninakawan? Sapagka’t dahil nga kung magkakaroon ng kurapsyon sa Gobyerno?, ay mababawasan ang budget ng Gobyerno na galing sa mga buwis na kinuha sa mga mamamayan, at manganganib na hindi maramdaman ng karamihan, ang tinatawag na kaukulang balik na serbisyo publiko para sa mga mamamayang Pilipino. Samakatuwid, sa maikling salita ay, pag may kurapsyon sa aling mang tanggapan ng ating Gobyerno? ay mababawasan ang ating inaaasahan na balik serbisyo, para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino! 

NGUNIT, NAIS KO BIGYAN NG PANSIN AT IPAPANSIN SA LAHAT NG MGA MAKABABASA NITO, Lalong lalo na, ng mga natiwalag na dating mga ministro ng Iglesia Ni Cristo, NA ALAM na ALAM RIN ITO NA, ANG PAGHAHANDOG NG MGA ABULOY ay KUSANG LOOB AT BUONG PANANAMPALATAYA NA TINUTUPAD AT TINUTUGUNAN NG LAHAT NG MGA TUNAY NA KAANIB SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO, Sapagka’t ito ay ISANG BANAL NA UTOS NG DIYOS, at WALANG INAASAHANG KAPALIT O KUNDISYON, ANG LAHAT NG MGA TUNAY NA HINIRANG NG DIYOS, kundi ang pinakalayunin ng kusang loob na handog na abuloy, ay ang DIYOS ANG TUNAY NA MALUGOD AT MABIGYAN NG KAPURIHAN. AT ANG MGA KUSANG LOOB NA ABULOY NG MGA HINIRANG NG DIYOS SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO, AY HINDI GAYA NG SALAPI NA GALING SA BUWIS NA ITINAKDA, AT SINISINGIL NG GOBYERNO SA MGA MAMAMAYAN NA NAGHAHANAPBUHAY, UPANG ANG MARAPAT NA MAKIKINABANG RIN AY ANG MGA MAMAMAYANG PILIPINO. Samakatuwid, dapat maalala ng mga natiwalag na mga dating mga ministro na ito, na kapag, nakapaghandog na ng kusa ang abuloy sa Iglesia, ay dapat maging panatag na, at ang Diyos na ang bahala, sa pamamagitan ng Kanyang inalagay na Pamamahala sa Iglesia Ni Cristo, ang manguna sa magsinop at magayos niyaon. Dahil, sumasampalataya ang lahat ng tunay at tapat na mga hinirang ng Diyos, na laging kasama ng Pamamahala ang Diyos, upang gabayan at patnubayan ang Pamamahala ng Iglesia. At ang Diyos rin ang maguudyok sa Pamamahala, sa tamang panahon at pagkakataon, kung sakali man na meron tutugunan na usapin o isang suliranin, lalong lalong lalo na kapag pananalapi ng Iglesia o kaban ng Diyos, ang malalapastangan? AT ITO ANG ATING NATITIYAK! WALANG KARAPATAN ANG MGA NATIWALAG NA MGA HUWAD NA DATING MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO! UPANG MAKIALAM SA PANANALAPI NG IGLESIA! SAPAGKAT' SILA'Y INALIS NA NG DIYOS SA IGLESIA! UPANG MANATILING MALINIS AT WALANG KAPINTASAN ANG KANYANG IGLESIA, AT MAALIS ANG MGA PABIGAT NA MGA HUWAD NA KAANIB, SA GINAGAWANG PAGLALAKBAY NG MGA TUNAY NA HINIRANG NG DIYOS, PATUNGO SA MAGANDANG HANGGANAN.

Kaya't labis ako nagtataka, kung bakit masyado ang pagmamalasakit ng mga natiwalag na ministro na ito, kahit na wala namang karapatang magmalasakit! at hindi naman nila tungkulin ang pangasiwaan at pakialaman ang pananalapi ng Iglesia. kung kaya't kahit na mapangahas na mga aksyon at hakbang, ay kanilang ginawa! dahil di umano raw ay nagmamalasakit? para maibunyag raw ang katiwalian di umano ng Sanggunian? HINDI NAUUNAAWAN NG MGA TAONG ITO, NA WALA SILANG KARAPATAN NA PAKIALAMAN O IPAGMALASAKIT ANG TUNGKOL SA BAGAY NA MAY KINALAMAN SA KABAN YAMAN NG DIYOS. SAPAGKA'T NAKAUKOL NA AT SA DIYOS NA ANG MGA NAIBUKOD NA HALAGANG IYON, AT ANG PAMAMAHALA LAMANG SA LOOB NG IGLESIA, ANG MAY KARAPATANG, PANGUNAHAN ANG PAGSASAAYOS at PAGSINOP NA KABANG YAMAN NG DIYOS, SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO.

DAHIL DITO, AY ITO PA ANG MASASABI KO SA MGA TIWALAG NA MGA DATING MGA MINISTRO NA ITO SA IGLESIA...KAYA, KUNG HINDI NAMAN KAYO NILAGAY NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG KANYANG PAMAMAHALA, PARA MAGMALASAKIT SA KABAN YAMAN NG DIYOS, AY WALA KAYONG KARAPATAN NA MAKIALAM AT WALA KAYONG, NI KONTING KARAPATANG IPAGMALASAKIT ITO!

AT KUNG ANG PINAGBUTI NIYO LANG SANA AT PATULOY NA IPINAGMALASAKIT, AY ANG DATI NINYONG TUNGKULIN BILANG MGA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO, PARA ANG GAWIN LANG NINYO AY ANG PANGANGARAL NG EBANGHELYO o MGA ARAL NG DIYOS NA NAKASULAT SA BIBLIA, KUNG SAAN KAYO NAKAUKOL, AY  MARAHIL, AY KINAAWAAN PA KAYO NG DIYOS, PARA MANATILI SA KANYANG IGLESIA? Kaso, ang hindi niyo tungkulin, ang pinangahasan ninyo na pakialaman, at pagmalasakitan di umano? at hindi na lang kayo nag "focus" sa pangangaral ng mga aral ng Diyos, na kung saan doon kayo nilagay ng Diyos at binigyang ng dating mga kaloob. AT KUNG SAKALI MAN NA MAY MAGTATANGKANG LAPASTANGANIN ANG KABAN NG DIYOS? AY SA DIYOS NAMAN ANG TAONG 'YON MAGKAKASALA AT HINDI NAMAN SA INYO! Kung kaya't hindi na ninyo dapat pakialaman ang hindi niyo dapat pakialaman! Bahala na ang Diyos ang magparusa, sa tamang panahon at pagkakataon, kung sakali nga na may magkakasala sa harap niya. At hindi Siya dapat pangunahan! Sapagka't mayroon naman Siyang inilagay na Pamamahala sa Iglesia, para maging Kanyang katiwala, at pinagtitiwalaan, at ang Diyos rin ang naguudyok, sa lahat ng mga pasya ng Pamamahala. At kailanman, ay wala kayong karapatan na pangunahan ang Pamamahala, patungkol, sa kung mayroon mang usapin sa loob ng Iglesia na dapat lutasin. PALAGAY KO NAMAN, NAIINTINDIHAN NIYO NA ITO! KAYONG MGA TIWALAG NA MINISTRO! KAYONG MGA SUWAIL AT MGA PASAWAY!

Kaya nga hindi ko lubos na maisip, kung bakit, galit na galit kayo, sa Sanggunian? bukod sa wala naman kayong matibay na ebidensya, kundi mga galing sa tsismis at haka-haka! AT HINDI NAMAN NINYO TATANGGAPIN NA KUNG SASABIHIN NA NAHAHANAY LANG KAYO SA MGA TSISMOSO?

Kaya, ang karagadagang tanong ko para sa mga natiwalag na mga ministro ay ito…
Alam niyo naman pala na ang paghahandog ng mga kaanib sa Iglesia ay kusang loob, at walang anumang hinihinging kapalit mula sa Diyos, at kapag naihandog na sa Diyos ay sa Diyos na iyon at ang may karapatan lamang na mangasiwa at magayos o magsinop nito, ay ang Pamamahala ng Iglesia, na ang Diyos nga ang naglagay sa kanya sa Iglesia. At kung sakaling man na may gagawing pagsasaayos at kaukulang hakbang upang mapanatiling maayos at masinop pa ng husto ang pananalapi ng Iglesia sa kabuuan, ay ang Pamamahala lamang ang makapagpapasya, kung ano ang marapat na gawin at kung sino ang nasa isip niya, na marapat pagtiwalaan, upang kanyang maging pangunahing katuwang, ay siya lamang ang makapagpapasya dito sa lupa. At walang sinuman, na pwedeng panguhanan o pakialaman ang pasya ng Pamamahala! Sapagkat’ alam ng lahat ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, na ang bawa’t pagpapasya ng Pamamahala sa Iglesia, ay sinasampalatayanan ng lahat ng mga tunay na kaanib, na may pagkasi at patnubay ng Diyos.

At para ulit sa mga natiwalag na mga ministro sa Iglesia, ay ito ang kasunod na tanong ko(kahit hindi na ninyo ito sagutin?)…AT ALAM KO NA NOONG HINDI PA KAYO NATITIWALAG SA IGLESIA, AY SINASAMPALATAYANAN NIYO RIN ITO DI BA? AT SANA NGA AY HINDI NIYO PA ITO NAKAKALIMUTAN? O TULUYAN NG NILIMOT ANG TUNGKOL SA NAPAKAHALAGANG BAGAY NA ITO?

Kaugnay nito, ang aking isusunod na itataong sa mga tiwalag na ministro na ito…Kung alam niyo nga na kapag hindi na sa inyo ang inihandog niyo, at ang Diyos na nga ang nagmamayari, ay BAKIT PINAKIKIALAMAN NIYO PA? at BAKIT NINYO PINANGUNGUNAHAN ANG PAMAMAHALA SA PAGPAPASYA, KUNG ANO ANG KANYANG GAGAWIN, lalong lalo na, kung meron man na di umano ay usapin na dapat ayusin? O maging patungkol sa mga pinagsasabi niyo na katiwalian na kinasasangkutan di umano ng Sanggunian sa loob ng Iglesia? na alam niyo rin na ang pamamahala ang naglagay sa kanila. AT SA PALAGAY NIYO BA, MAS MARUNONG PA KAYO SA PAMAMAHALA? AT MANGAHAS KAYO NA GUMAWA NG SARILI NINYONG MGA HAKBANG AT HINDI MAN LANG INIUGNAY SA KANAYA! SA PAMAMAGITAN NG TAMANG PROSESO AT TUNTUNIN NA PINAIIRAL SA LOOB NG IGLESIA, NA PINAGTIBAY NG PAMAMAHALA.

At ito pa ang karagdagang tanong ko sa mga natiwalag na ministrong ito…BAKIT NIYO HINDI MUNA IDINULOG SA PAMAMAHALA NG IGLESIA, ANG ISANG USAPIN KUNG MERON MAN? UPANG SIYA ANG MAGPAPASYA KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN? O AKSYONAN,KUNG MERON MANG DAPAT NA TUGUNAN O AKSYONAN NA USAPIN?

BAKIT KAYO NAGSARILING KALOOBAN AT NANGAHAS GUMAWA NG SARILI NINYONG MGA HAKBANG AT PINANGUNAHAN NINYO ANG PAMAMAHALA SA PAGTUGON SA ISANG USAPIN O SULIRANIN DI UMANO? WALA BA KAYONG MGA TIWALA SA PAMAMAHALA NA NILAGAY NG DIYOS SA IGLESIA, UPANG LUMUTAS KUNG ANOMAN ANG SULIRANIN NA DAPAT SOLUSYUNAN? SA LOOB NG BANAL NA BAYAN NG DIYOS. AT BAKIT NIYO PINALALABAS NA SA MGA SINASABI NYO NA KAYO ANG NAGING KASANGKAPATAN PARA MALAMAN, ANG DI UMANO AY KATIWALIAN NG SANGGUNIAN SA IGLESIA? ANO ANG KARAPATAN NINYO PARA GAWIN ANG MAPANGAHAS NA HAKBANG AT PAGKILOS NINYO?

AT ITO’Y HINDI NINYO MAIKAKAILA NA, INISIP NIYO LANG SA SARILI NIYO NA KAYO DI UMANO? ANG GINAMIT NA KASANGKAPAN NG DIYOS PARA AYUSIN ANG SULIRANIN DI UMANO?

ANO ANG MATIBAY NA PATOTOO NIYO? SA PALAGAY NIYO BA, MAS MARUNONG PA KAYO SA PAMAMAHALA NA SIYANG TUNAY NA BINIGYAN LAMANG NG DIYOS NG KARAPATAN, PARA MANGUNA SA PAGSINOP AT MAGAYOS NG LAHAT NG BAGAY NA MAY KINALAMAN SA IGLESIA, MAGING ANOMAN IYON? O MAGING ANOMANG USAPIN MAN IYON?

NANANAGINIP YATA KAYO NG GISING! O NAWAWALA KAYO SA INYONG MGA SARILI?

AT BAKIT HINDI KAYO NAG-ISIP NG MABUTI AT UMUGNAY SA PAMAMAHALA? AT NAGING MAKASARILI KAYO AT GINAWA NINYONG HUKOM ANG MUNDO NG FaceBook, Youtube, at iba pang SOCIAL MEDIA, para isagawa ang mapangahas na sariling mga hakbang ninyo, at DAHIL sa pamamagitan ng mga MALING gawa ninyo AT WALANG PAKUNDANGANG PANANALITA at MGA PARATANG, ay MAHUSGAHAN AGAD NG MGA MANG-UUSIG, at ng mga NAIINGGIT, AT MAY MATINDING GALIT AT POOT, SA IGLESIA NI CRISTO, ANG IGLESIA NA KATAWAN NI CRISTO. NA DAHIL SA MAPANGAHAS NA HAKBANG NA GINAWA NIYO at NAGSARILI KAYO NG KALOOBAN, AY KAYO RIN ANG NAGING MGA KASANGKAPATAN(sa aminin man ninyo o hindi?), NG MGA KALABAN NG DIYOS para paigtingin pa ang kanilang pag-uusig at paninira sa Iglesia, dahil galak na galak sila at nagamit nila kayo at patuloy na ginagamit, upang  MAS HIGIT NA MALASPATANGAN, SA PAMAMAGITAN NG MGA MASASAKIT NA PARATANG, PANGUNGUTYA NA PAWANG UDYOK LANG NG MATINDING PANINIBUGHO AT GALIT, na kanilang isinasakatuparan, dahil na rin sa MGA PANGAHAS NA HAKBANG NA GINAGAWA NIYO! Na kanilang sinasabayan, upang kanilang patuloy na maisagawa, ang kanilang paguusig at pang uupat sa Iglesia Ni Cristo, NA TINUBOS NI CRISTO NG KANYANG SARILING DUGO!

KAYA MASASABI KO PA, NA DAHIL SA MGA MALING GINAWA NIYO, AY SA AMININ NIYO O HINDI, IBANG ESPIRITU NA ANG TUMATAHAN SA INYO! AT HINDI NA ANG ESPIRITU NG DIYOS!

Dahil sa mga MALI at MAPANGAHAS na ginawa niyo, ay tahasan kong masasabi sa inyo na kahit hindi ninyo aminin, ay nilimot niyo na at nilabag ang isa sa mga banal na aral ng Diyos, na nakasulat sa Biblia, na isa rin naman kayo, sa mga nagturo ng katotohanang ito, noong kayo ay hindi pa natitiwalag sa Iglesia Ni Cristo, bilang mga dating ministro.

At ito ay alam na alam ninyo! O marahil ay hindi na ninyo ito sinasampalatayanan? O kaya naman ay tuluyan niyo nang nilimot ang isang mahalagang utos at aral na ito ng Diyos? O baka naman nakalimutan niyo lang? DAHIL ANG NAGHAHARI SA MGA PUSO NINYO AY MATINDING GALIT, POOT at PANINIBUGHO! DAHIL ANG TINGIN NINYO SA MGA SARILI NIYO, AY KAYO ANG MAGAGALING? 

MABUTI, AY BASAHIN NATIN ANG NASUSULAT SA BIBLIA, PARA NAMAN MAHIMASMASAN NAMAN KAYO? AT NAWA AY MAKAPAGBULAY-BULAY KAYO, NA MALING-MALI NGA ANG GINAWA NINYO!

Ganito ang ating mababasa sa I Cor. 6:4 

"Kung may mga usapin kayo, bakit ninyo ito idinudulog sa mga taong hindi kinikilala ng iglesya?"
I Cor. 6:4 

SAMAKATUWID, ITO ANG AKING MASASABI SA MGA NATIWALAG NA DATING MINISTRO NG IGLESIA...TAHASANG NILABAG NINYO ANG UTOS NA ITO NG DIYOS! AT ANG PAGLABAG NA GINAWA NIYO AY NAHAYAG! SA PAMAMAGITAN NG MAPANGAHAS NA HAKBANG NG PAGGAMIT NIYO NG SOCIAL MEDIA , AT SA MGA TAONG WALA NAMANG ALAM SA MGA ARAL NA SINASAMPALATAYANAN AT SINUSUNOD NG MGA KAANIB SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO! AT WALA RIN ALAM SA MGA TUNTUNIN NA PINAIIRAL SA LOOB NG IGLESIA.

AT BILANG KARAGDAGAN, AY ITO PA ANG TANONG KO SA INYO…WALA RIN BA KAYONG TIWALA SA DIYOS NA KAYANG KAYA NIYA AYUSIN O SAWAYIN O PALUIN ANG SINOMANG LINGKOD NIYA NA MAAARING MAGKAMALI? O MAAARING MATUKSO NA GUMAWA NG HINDI MARAPAT SA BANAL NA KABAN NG DIYOS? AT IYON AY MAGAGAWA NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG KANYANG INILAGAY NA PAMAMAHALA NA KANYANG PANGUNAHING KASANGKAPAN DITO SA LUPA, PARA MAALAGAAN AT ANG IGLESIA O KAWAN, AT ANG DIYOS RIN ANG GAGABAY SA PAMAMAHALA, KAPAG MAY NAIS SIYANG IHAYAG NA TAONG NAGKAMALI? AT ‘YON AY MANGYAYARI SA TAKDANG PANAHON AT PAGKAKATAON NA ANG DIYOS RIN ANG MAGUUDYOK SA PAMAMAHALA NG IGLESIA, AT ITO ANG SINASAMPALATAYAN NG LAHAT NG MGA TUNAY NA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO. AT SA AMININ NINYO O HINDI? ITONG DATING SINASAMPALATAYAN RIN NIYO NG HINDI PA KAYO NATIWALAG. KAUGNAY NITO, AY MALAKAS ANG LOOB KO NA SABIHIN SA INYO, NA NALIMUTAN NA NINYO ITO MARAHIL? O HINDI NINYO NA SINASAMPALATAYANAN ITO! DAHIL ANG GINAWA NIYO AY MALINAW NA MALINAW NA ANG MGA SARILI NIYO NA ANG IPINANGAHAS NIYO PARA PANGUNAHAN ANG DIYOS AT ANG KANYANG PAMAMAHALA SA PAGTUGON KUNG MAYROON MAN NA DAPAT TUGUNAN SA ISANG USAPIN? O SA MGA BINTANG AT PARATANG NINYO NA DI UMANO, KATIWALIAN NA KINASASANGKUTAN NG SANGGUNIAN? NA HANGGANG NGAYON, AY WALA PARIN KAYONG SAPAT NA BATAYAN!

AT BILANG KARAGDAGAN SA MGA NAUNANG TANONG KO…Kung hindi na sa inyo at sa Diyos na tulad ng sinabi niyo, ANG ABULOY na inihandog niyo na sa Diyos, MAY KARAPATAN BA KAYO NA BINIGAY NG DIYOS PARA IPAGMALASAKIT ANG SA DIYOS NA AT HINDI NA SA INYO!...Itong tanong na ito ay AKO NA ANG SASAGOT, PARA SA INYO NA MGA TIWALAG NA HINDI TUNAY NA MGA DATING MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO, AT ITO ANG MASASABI KO SA INYO…WALA KAYONG KARAPATAN AT KAILANMAN AY HINDI KAYO MAGKAKAROON NG KARAPATAN! SAPAGKA’T INALIS NA KAYO NG DIYOS SA IGLESIA, SA PAMAMAGITAN NG PAGTITIWALAG SA INYO NG PAMAMAHALA!

Sapagka’t, ang ginagawa ninyo ay ayon lang sa inyong sariling kagustuhan at utos ng mga sarili ninyo, na LIHIS at HINDI NAAAYON SA UTOS at KALOOBAN NG DIYOS. At ang inyong mga pangahas na pinaggagawa ay PAWANG WALANG SAYSAY at WALANG KABULUHAN SA MATA NG DIYOS!

Samakatuwid, ang mga pagmamasakit (DI UMANO?) ng mga taong ito, na tiwalag sa Iglesia, AY WALANG SAYSAY! BALE WALA! AT WALANG MAGANDANG KAHIHINATNAN! at sila pa ang nagiging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon ang mga taong matagal ng may matinding poot at galit, at inggit sa Iglesia Ni Cristo!, upang kanilang mas malapastangan, ang Banal na Iglesia na Inibig ni Cristo, na minamahal ni Cristo. At dahil sa mga walang pakundangang mga pananalita ng mga tiwalag na mga ministrong ito! Ay sinasamantala naman ng mga taong kalaban ng Diyos, at sumasabay sa mga paratang ng mga tiwalag na mga ministro, upang kanilang mas yurakan pa, at pintasan ang Iglesia at maging ang Kptd. na Felix Manalo, na sinasabi nila…”Iglesia daw Na Corrupt?”, “Iglesia daw ni Manalo?”, “Iglesia daw na kulto? At kung anu-ano pang masasakit na mga bintang at mga pananalita! At itoy ay alam kong alam-alam ng mga tiwalag na mga taong ito na dating mga ministro, at hindi lingid sa kanila ang mga masasakit na pananalita na pinupukol sa Iglesia!

DAHIL DIYAN, AY ITO PA ANG TANONG KO ULI SA INYO NA MGA TIWALAG NA DATING MINISTRO SA IGLESIA, AT BASAHIN NIYO ITO NG MABUTI!…MASAYA BA KAYO KAPAG NABABASA NIYO AT NARIRINIG NINYO SA MGA TAONG ITO, ANG GANITONG PAGLALAPASTANGAN NILA SA IGLESIA?

At sa tanong ko na ito, ay maaaring mabigla kayo? At hindi agad kayo makasagot? PERO, SASABIHIN KO NA ANG MAAARING NINYONG ITUGON AY ITO…”SIYEMPRE HINDI NA KAMI NATUTUWA!”…AT MABILIS KO NAMAN NA ISASAGOT SA INYO AY “MARAPAT LANG NA HINDI KAYO MATUWA!”…Dahil pag hindi ganito ang itutugon ninyo? Ay mas mahahalata agad, ang ibang layunin o pangsariling layunin ninyo!

AT ITO PA ANG TANONG KO SA INYO(mga tiwalag!)… KUNG TUNAY NGA HINDI KAYO NATUTUWA SA MGA MASASAKIT NA PANANALITA NA IPINUPUKOL NG MGA TAONG NAIINGIT SA IGLESIA AT MGA WALANG MAGAWA, NA GINAGAMIT RIN KAYO, AT MARAHIL AY NAIINSPIRED PA SA INYO? AT DAHILSA MGA WALANG PAKUNDANGANG MGA PANANALITA NINYO, NA NAGIGIGN DAHILAN RIN NA  ANG IGLESIA NI CRISTO SA KABUUAN(kahit na hindi ninyo aminin o tanggapin?), ANG NALALASPATANGAN, AT NAGBIBIGYAN NIYO RIN NG HAPIS ANG PAMAMAHALA AT ANG MGA KAANIB SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO. AT ‘YAN BA ANG KATUNAYAN NG SINASABI NINYONG “MAHAL NIYO ANG PAMAMAHALA???” ITO’Y KAHAYAGAN LAMANG NG INYONG MALAKING KAPAIMBABAWAN! AT KALAPASTANGANAN! AT BAKIT NINYO GINAGAWA ANG MGA BAGAY NA PAWANG GALING SA SARILI NINYONG GUSTO AT MGA PLANO?

Ako na naman uli ang sasagot sa inyo para sa inyo na mga tiwalag na ministro, ngunit, hihintayin ko parin ang sagot niyo na mula sa inyong mga sarili, AT ITO MARAHIL ANG ISASAGOT NIYO SA TAONG NA ITO, “EH KASI NAGMAMALASAKIT NGA KAMI SA IGLESIA(di umano?) EH?

Ngayon, ITO NGAYON ang AKING MALAKING KATANUNGAN NA NANGANGAILAN NG MALAKING KASAGUTAN MULA SA MGA NATIWALAG NA MGA MINISTRO...KUNG HINDI NA PALA SA INYO IYONG KUSANG HANDOG NA BINIGAY NIYO SA DIYOS? EH BAKIT NIYO PA PINAKIKIALAMAN? AT BAKIT NAGMAMALASAKIT DI UMANO KAYO? KUNG HINDI NAMAN KAYO BINIGYAN NG DIYOS NG KARAPATANG MAGMALASAKIT? At TUNAY NGA WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN!

Samakatuwid, hindi lahat ng tinatawag na pagmamalasakit di umano? ay tatanggapin ng Diyos, lalo na’t kapag hindi naayon sa KALOOBAN o BATAS NG DIYOS. Bakit ko po nasabi ito? Ano po ang isa sa matibay na katunayan NA MABABASA SA BANAL NA KASULATAN, na nagpapatotoo sa inilahad ko rito, na hindi lahat ng pagmamalasakit ay para sa ikabubuti. AT ALAM KO, NA ALAM NA ALAM RIN ITO NG MGA NATIWALAG NA DATING MGA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO, LALONG LALO NA sina ginoong Isaias T. Samson at “Joy” Yuson alias “Kelly Ong”, at iba pa.

Ganito ang nasusulat sa 2 SAMUEL 6:6-7, King James Verson(KJV), na mababasa sa isang salin na ito ng Biblia, sa wikang ingles…

And when they came to Nachon's threshingfloor, Uzzah put forth his hand to the ark of God, and took hold of it; for the oxen shook it."

7 And the anger of the Lord was kindled against Uzzah; and God smote him there for his error; and there he died by the ark of God.”

At sa ibang salin naman ng Biblia, na mababasa sa ating sariling wika

na katulad rin na talata sa 2 Samuel 6:6-7: Ang Dating Biblia (1905)
ay ganito ang ating mababasa…

6 “At nang sila'y magsidating sa giikan ni Nachon, iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay sa kaban ng Dios, at hinawakan; sapagka't ang mga baka ay nangatisod.”

7At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza; at sinaktan siya ng Dios doon dahil sa kaniyang kamalian; at doo'y namatay siya sa siping ng kaban ng Dios.”

SAMAKATUWID, HINDI LAHAT NG PAGMAMALASAKIT AY MABUTI SA PATINGIN NG DIYOS, SAPAGKA’T SI UZZAH NGA AY TUNAY NGANG NAGMALASAKIT SA KABAN NG DIYOS, DAHIL NGA AYAW NIYANG MAPINSALA ANG KABAN NG DIYOS, AT SA KANYANG PAGKAKAMALI(na batay sa ating nabasa, ay masasabi na nagmalasakit nga si Uzza), AY PINATAY PA RIN NG DIYOS! DAHIL NGA SA WALA SIYANG KARAPATANG IPAGMALASAKIT O HAWAKAN ANG KABAN NG DIYOS,

NA ANG KABAN AY ALAM NATING SUMASAGISAG SA LALAGYAN NG KUSANG HANDOG NG MGA HINIRANG NG DIYOS.

AT BIBIGYAN KO LANG NG DIIN AT NAWA AY MAPANSIN RIN NG LAHAT NG MAKABABASA NITO, NA SI UZZAH NA WALA NGANG DUDA NA NAGMALASAKIT SA KABAN, AT SA PAGKAKAMALI NIYA, AY HINDI NAGING DAHILAN, PARA MALAGAY SA ALANGANING SITUASYON, NA KUNG SAAN AY MALALASPATANGAN ANG PANGALAN NG BAYAN NG DIYOS(na sa huling panahon natin ngayon ay ang Iglesia, AY PINATAY PA RIN NG DIYOS, AY ANO SA PALAGAY NINYO ANG GAGAWIN NG DIYOS SA MGA TAONG KATULAD NG MGA NATIWALAG NA DATING MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO, NA DI UMANO’Y NAGMAMALASAKIT SA KABAN YAMAN O PANANALAPI NG IGLESIA? NGUNIT, WALA RIN KARAPATAN, TULAD NI UZZAH AT NAGKAMALI RIN GAYA NI UZZAH!. AT SA KANILANG MAPANGAHAS NA MGA HAKBANG, UPANG MAGMALASAKIT DI UMANO? KAHIT WALANG MAIBIGAY NA PATOTOO, AY NAGING SILA PA ANG DAHILAN(kahit hindi nila aminin?) UPANG MAS LALONG, PARATANGAN, KUTYAIN, USIGIN, SABIHAN NG MASASAMANG SALITA, AT IBA PANG URI NG PAGLALAPASTANGAN SA BANAL NA PANGALAN NG KATAWAN NI CRISTO O ANG IGLESIA, NG MGA TAONG KALABAN NG DIYOS, NA ANG MGA HALIMBAWA NGA NG MGA MASASAKIT NA MGA PANANALITA at PAGLALAPASTANGAN NILA SA IGLESIA NA KATAWAN NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, AY ANG MGA ITO…”Iglesia Na Curropt””, “Iglesia Ni Manalo”, “Kulto ni Manalo?”, at iba pang mga mapanira at masasamang mga pananalita! Na kahit hindi na natin tanungin ang mga natiwalag na ministro sa Iglesia, AY MASASABI NATING HINDI NA NILA ITO KINALULUNGKOT? Sapaka’t ang naghahari sa kanilang mga puso, ay MATINDING POOT! At GALIT! at PAGHIHIGANTI!, at naging mga PANGAHAS, at WALA NA SA KATWIRAN! at ang tanging hangarin nila ay ang maisakatuparan ang kanilang sariling motibo o layunin!

At ito ay nahahayag sa kanilang mga mapangahas na gawa at pananalita, gaya ng sinabi ng ISA sa MGA KASAMA NILA, NA ISA MGA NATIWALAG na dating ministro ng Iglesia NI Cristo, na si Joy Yuson(a.k.a. Kelly Ong) sa kanyang facebook account post, na HINDI RAW BALE NA MAPUNTA SIYA SA IMPYERNO, BASTA MAIPAKULONG LANG DAW NIYA ANG MGA NASA SANGGUNIAN?
Ito ang kopya ng Facebook post ni Joy Yuson, na nagtatago sa FB dummy account na Kelly Ong. At sa pahayag niyang ito, ay hayag na hayag, na ang naghahari sa taong ito ay matinding poot at galit na! at desperado na talaga! at naghihikayat pa ng iba na samahan daw siya! BASAHIN NATIN ANG SINABI NIYA SA FB POST NYA...


GRABE TALAGA ITONG TAONG ITO ANO? MANDADAMAY PA!  IKAW NA LANG AT ANG IBANG HUWAD AT HINDI TUNAY NA KAANIB SA IGLESIA, ANG ISAMA MO SA DAGAT-DAGATANG APOY NA HINIHINTAY MO!, AT MAGSAMA-SAMA KAYO NG MGA KALAHI MO AT MGA BFFs MO 4EVER SA IMPYERNO! AT SAMAHAN NIYO ANG INYONG AMA, NA AMA NG KASINUNGALINGAN at AMA NG MGA SINUNGALING NA KATULAD NIYO! NA NAGHIHINTAY SA INYO, PARA MAKASAMA NIYA, SA WALANG HANGGANG NAGNININGAS NA APOY AT ASUPRE! AT ITO ANG INYONG AMA NA DIABLO, NA AMA NG MGA SINUNGALING! AT ITO ANG Best Friend Forever(BFF)NG MGA TAONG ITO, NA MAY MADILIM NA PAG-IISIP AT NABUBUHAY SA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NG KASINUNGALINGAN! NA PAWANG NADAYA NA, AT NAHATAK NA NG KANILANG AMANG DIABLO, NA MAHIGPIT ANG PAGKAKAHAWAK SA KANILA, PARA MAKASAMA NA NYA SILA IMPYERNO!

KAYA, TAMA LANG AT MAKATWIRAN LANG ANG MGA SINASAAD NG BUKAS NA LIHAM NA ITO, PATUNGKOL SA MGA KAMALIAN NG MGA TIWALAG NA MGA MINISTRO NA ITO, NA DATING MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO.

BILANG PANGHULI, AT KAUGNAY PARIN NG PANGYAYARI NA NASULAT SA BIBLIA TUNGKOL KAY UZZA, NA BINANGGIT KO NA SA ITAAS NG SULAT NA ITO...AY ITO NGAYON ANG ITATANONG KO SA LAHAT NG MAAARING MAKABASA NITO?...ANO ANG MAAARING GAWIN NG DIYOS SA MGA NATIWALAG NA DATING MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO? KUNG ATING IKUKUMPARA SA GINAWA NI UZZA NA PINATAY NG DIYOS, DAHIL SA NAGAWANG KAMALIAN (DAHIL NGA SA KAWALAN NG KARAPATAN) NI UZZA UPANG IPAGMALASAKIT ANG KABAN NG DIYOS.

MAINAM NA HINDI NA AKO SASAGOT SA TANONG KO RIN NA ITO SAPAGKA’T ANG DIYOS LAMANG ANG TANGING MAY KAPASYAHAN, TUNGKOL SA KUNG ANO MGA MARAPAT NA IPASYA PARA SA MGA NATIWALAG NA DATING MINISTRO NG IGLESIA. NGUNIT ANG ALAM KO, AT ALAM KONG ALAM RIN NILA, NA KAPAG TIWALAG O NAALIS NA SA IGLESIA, AY WALA NG KARAPATAN SA KALIGTASAN, AT WALA NG DIYOS NA MAKIKINI SA KANILA, SAPAGKA’T SILA’Y ITINUTURING NA NG DIYOS na mga TAGASANLIBUTAN! MASAKIT! NGUNIT, IYAN ANG KATOTOHANAN!

AT KUNG SAKALI MAYROON RIN PO KAYONG NASASAISIP? AY KAYO NA LAMANG PO AT ANG DIYOS ANG NAKAKAALAM. NGUNIT, SA KASALUKUYAN, ANG MASASABI KO PA AY ITO...HINDI NA TUMATAHAN ANG BANAL NA ESPIRITU NG DIYOS SA KANILA, DAHIL SILA’Y INALIS NA NG DIYOS SA IGLESIA SA PAMAMAGITAN NG PAGTITIWALAG SA KANILA NG PAMAMAHALA. AT KUNG HINDI NA TUMATAHAN ANG ESPIRITU NG DIYOS SA KANILA, AY WALA NA NGANG MAAASAHAN PA, NA ANUMANG KATOTOHANAN NA MAGMUMULA SA KANILANG MGA PINAGSASABI! KUNDI, PAWANG MGA KASINUNGALINGAN!

At bilang karagdagang, ay ito pa ang masasabi ko sa mga natiwalag na mga dating ministro ng Iglesia Ni Cristo. Kung tunay nga naniniwala pa kayo na ang sugo sa huling araw, ay ang kapatid na Felix Y. Manalo, ay basahin ninyo ang nakasulat sa ibaba na mga pananalitang galing mismo sa bibig ng Sugo, na tumutukoy sa kung ano ang mas dapat pagtuunan ng pansin ng isang tunay AT MABUTING Ministro ng Diyos sa loob ng Iglesia Ni Cristo(na dapat ay ang pangangaral ng mga katotohanan ng Diyos, ang dapat pagbutihin at hindi ang mga bagay na hindi naman nakaukol sa kanya, at hindi ang uri ng buhay o pamumuhay ng iba ang pakikialaman pa! at kung mayroon man na nagawang pagkakamali sa harap ng Diyos ang kapwa niya? Ay hayaan niya, na ang Diyos ang gumawa ng marapat na pagpaparusa sa kanya, sa takdang panahon, at tamang pagkakataon na gugustuhin ng Diyos, na hindi dapat pangunahan ng kahit na sinoman! Lalong lalo na, ng MGA TAONG HINDI NAMAN BINIGYAN NG KARAPATAN NG DIYOS, upang makialam sa mga usapin na hindi naman nila marapat na pakialaman! At pangahasan na panhimasukan! Dahil alam ng Diyos ang ginagawa ng lahat ng sinomang tao, mabuti man o masama?).

At para sa mga natiwalag na dating ministro ng Iglesia, ay ito ang karagdagan kong sasabihin sa inyo…Pagkatapos niyo na basahin ang o pakinggan ang sinabi ng Sugo, ay magbulay-bulay kayo sandali, at kung may salamin kayo, ay humarap kayo sa salamin at tingnan ninyo at kausapin ninyo ang mga sarili niyo, at itanong nyo na rin sa inyong mga sarili, kung kayo nga ay naging ka-isa ng Espiritu ng kapatid na Felix Y. Manalo, ang Sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito…

Narito ang mga pahayag ng Sugo…BASAHIN NINYONG MABUTI AT UNAWAIN! At pwede niyo rin pakinggan sa youtube link na ito, para mas makatiyak kayo sa inyong mga sarili, na sinabi nga Sugo ang nakasulat sa ibaba,…https://www.youtube.com/watch?v=8wM1GLqMiZc

Ganito ang pahayag ng Sugo…
Sinong tao? Kamukha natin. Nagkakamali? Nagkakamali.Maraming mali? Maraming mali. Kung hahalungkatin ninyo – Inay, hindi ugali sa akin na ‘yung mali ng isang tao ay ibunyag ko.Iyan ang ayaw ko. Bakit? Magkakasala ako niyon. Hindi ko ugly iyan. Ako, ibinubunyag ko ito sa kapakanan ng kaluluwa ng lahat ng tao, sa pagsunod sa Diyos, “Ipangaral mo ang Aking Ebanghelyo sa lahat ng kinapal. Ang sumampalataya at mabautismuhan iyon ang maliligtas,”Ito ang aking ginagawa. Pero, HALUKAYIN KO PO ANG ISANG TAO’Y NAGKAMALI AT SIYA KONG IPANGARAL? Señor, gawa ng mga taong Sawimbakod at salad-salad ang mga sistemang ‘yun. Iyon AY HINDI GAWA NG ISANG MABUTING MINISTRO , o SIYANG MABUTING TAO.”(Kapatid na Felix Y. Manalo, Sugo ng Diyos sa Mga Huling Araw, Recorded Sermon, “Kung Nasaan ang ma Patay”, F. Manalo, San Juan, Metro Manila)

At para sa mga natiwalag na dating mga ministro ng Iglesia ay ito pa ang masasabi ko sa inyo...Ngayon, pagkatapos niyo mabasa ito, at marinig ang mismong tinig ni Kapatid na Felix Y. Manalo, ay kahit hindi ninyo aminin ng direkta? Dahil maaaring manaig parin sa inyo ang pagmamatigas? o ang “PUSONG BATO” ninyo? at hindi niyo agad matanggap ang sinabi na ito ng Sugo, ay masasabi kong hindi kayo ka isa ng espiritu ng Sugo na ang dapat niyo lang pagtuunan ng pansin ay ang pangangaral ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, dahil hayag na hayag na ang mga pangahas na ginawa niyo, ay "HINDI GAWA NG ISANG MABUTING MINISTRO , o SIYANG MABUTING TAO." ayon sa Sugo.

DAHIL DITO, PARA SA LAHAT NG MGA MAKABABASA RIN NITO, AY MALIWANAG, na SA MGA TIWALAG NA DATING MINISTRO SA IGLESIA NI CRISTO, NAUUGMA at TUMATAMA, AT NARARAPAT SA KANILA,  ANG MGA PANANALITANG NABANGGIT SA ITAAS NA SINABI NG SUGO, ANG KAPATID NA FELIX Y. MANALO.

At kaugnay ng sinabi nito ng Sugo, ay nais ko rin mabigyan ng kaukulang pansin ng mga nagbabasa nitong sulat na ito, lalong-lalo na, ng mga natiwalag na dating mga ministro ng Iglesia, kung sakali rin na mababasa rin nila ito? Na MASASABI KO na, mas kaisa pa ng damdamin at Espiritu ng Sugo, o ng Kapatid na Felix Y. Manlalo, ang kapatid na Christopher Roxas, na asawa ni Sister Gladyz Reyes, na kahit simpleng kapatid lamang siya at hindi ministro, ay nauunawaan niya ang katwiran ng Diyos at kung ano ang marapat niyang panindiganan at pagtuunan ng pansin, kapag may ganitong uri ng usapin, at batay sa mga dalisay na mga aral ng Diyos na kanyang tinatanggap sa loob ng Iglesia, na isa nga sa kanyang natutunan ay, ang bawa’t tao ay magsusulit at magbabayad ng kanya-kanyang mga nagawang pagkakamali o kasalanan sa harap ng Diyos, at sa lihim man o sa hayag? Ay walang maitatago ang sinoman sa kanyang nagawang pagkakamali o kasalanan? At bakit nga naman pa niya titingnan ang isang tao? Anuman ang ginagawa o nagawa ng tao? Mabuti man o masama? Si kapatid na Christopher Roxas, ay nakatingin lamang sa Diyos, sapagka’t, hindi nga naman ang tao ang kanyang pinaglilingkuran, kundi ang Diyos na makapangyarihan sa lahat!

Ganito ang pahayag na ng kapatid na Christopher Roxas, asawa ni kptd. na Gladyz Ryes. At ito ang mga sinabi at ipost niya sa Facebook account niya, na nagsasabing...

“IGLESIA PO AKO NI CRISTO… Hinde po ako Iglesia ng kung sino man…Kung ano po ang sinasampalatayanan ko doctrina at laman ng Biblia, yun ang sinusunod ko. Ang Iglesia Ni Cristo ay banal ang tao po ay kanya-kanyang punas lamang po ng lamesa…

Bakit ako titingin sa tao siya ba ang Diyos ko… at higit sa lahat sa akin ba sisingilin yan kung sino ang may sala siya ang haharap pagdating ng takdang panahon… panu niyo hihiklatin sa puso ko ang naramdaman ko ng tawagin ako ni Cristo…!”

- Christopher Roxas

Dahil dito ay masasabi ko ng tahasan sa mga natiwalag na dating mga ministro sa Iglesia, na mas natuto pa sa mga aral ng Diyos si Kptd. na Christopher Roxas, kaysa sa inyo na nagaral pa naman kayo sa loob ng Ministerio ng Iglesia Ni Cristo, sa loob ng maraming taon, ngunit, nasayang lang at hindi ninyo nagamit ng lubos ang inyong natutunan!, at hindi ninyo iningatan ang inyong karapatan, at hindi niyo napanatili ang inyong sinumpaang katapatan, sa harap ng Diyos! At sa harap ng mga naging saksi, noong araw at oras na kayo ay nanumpa! At nawalan ng kabuluhan ang lahat ng inyong napagaralan! Kaya’t, makatwiran lang na sabihin na…Mas alam pa ni Kptd. na Christopher kung paano siya manghahawak sa karapatan sa paglilingkod sa Diyos, at maininindigan sa panig ng katwiran! At dahil sa kanyang taos sa puso na pahayag ng katotohanan, ay masasabi ko na isa ngang tunay na alagad at hinirang ng Diyos, si Kptd. na Cristopher Roxas.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MAHALAGANG PANAHON AT MATYAGANG PAGBABASA SA BUKAS NA LIHAM NA ITO NA AKIN PONG SINIKAP NA GAWIN, SA TULONG PO AT PAGGABAY NG DAKILANG LUMIKHA NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.

AT NAWA PO AY MAYROON PO TAYONG NATUTUNAN AT NAKUHA PO NA MAHALAGANG ARAL SA

MULA SA BAGAY NA ITO, NA ATIN PONG TINALAKAY, NA GAYA NGA PO NG SINABI KO SA UNANG BAHAGI NG SULAT KO NA ITO, NA GINAWA KO PO ITO SA AKING SARILI, AT WALA PONG SINUMAN NA NAGUDYOK SA AKIN, KUNDI ANG DIYOS NA SINASAMBA AT DINADAKILA NG LAHAT.

AT SANA PO AY KAHIT SA GANITONG MALIIT, AT SIMPLENG KAPARAANAN, AT SA NAABOT PO NG AKING PAGKAUNAWA AT KONTING KAKAYANAN NA GALING RIN NAMAN PO SA ITAAS,

AY NAWA PO AY NAKAPAGBIGAY RIN PO ITONG NAIBAHAGI KONG SULAT, NA ANG TANGING LAYUNIN AY, MAKATULONG UPANG MAGDAGDAG PA NAWA NG KAUNAWAAN PARA SA LAHAT, KUNG ANO ANG KATWIRAN, AT TUNGKOL RIN SA MGA PANGYAYARI, AT MGA USAPIN, BUNGA NGA NG MGA PANGAHAS NA HAKBANG AT AKSIYON NA GINAWA NG MGA NATIWALAG NA DATING MGA MINISTRO NG IGLESIA NI CRISTO.

AT MAGBIGAY RIN NAWA ITO NG KARAGDAGANG INSPIRATION at KABATIRAN, AT TIBAY NG PANANAMPALATAYA SA ATING LAHAT, BILANG MGA TUNAY NA KAANIB SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO. AT WALA NAWANG MADADAYA PA NG MGA MAPAGPAIMBABAW AT MGA SINUNGALING NA MGA TIWALAG NA DATING MGA MINISTRO NG IGLESIA.

At bilang panghuli, ay sariwain natin ang mga katotohanang ito na nakasulat sa Banal na Kasulatan, na mababasa sa II Pedro 2:10-12

“Datapuwa’t lalong-lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila’y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo…”Datapuwa’t ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.”

At ganito naman ang NASUSULAT SA HEBREO 13:17

Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo.
Sila’y may pananagutang mangalaga sa inyo, at mananagot
sila sa Diyos ukol diyan. Kung sila’y susundin ninyo,
magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung
hindi, sila’y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.”

At nawa po ay mas nadagdagan po, ang ating kaunawaan sa mga bagay na atin pong tinalakay. At nawa rin po ay, mas lalo pa nating naintindihan, sa awa’t at tulong ng Diyos, na hindi marapat sa sinomang tunay na kaanib sa Iglesia, ang magalinlangan o sumagi man sa isip niya na baka mawalan ng kabuluhan at masayang lang ang abuloy o paghahandog niya sa Diyos, sa loob ng Iglesia, dahil lang sa mga naririnig niya sa mga paratang ng mga tiwalag na ministro, na may kurapsyon di umano sa Sanggunian? Kahit na ang mga iyon ay MALIWANAG NA PAGPAPARATANG LANG! dahil walang naming sapat at matibay na ebidensya o basehan, o pinagbabatayan. At sinasabi pa nila na nakapost na raw sa internet ang mga ebidensya? gaya ng sinabi ni Isaias Samson Jr. Ang tanong ko para sa taong ito, sa tingin ba niya? tatanggapin ng hukuman, ang sinasabi niya di umano na mga ebidensya na napost lang sa Internet? at ang napost pa ay gumagamit ng "dummy account", gaya ni Antonio Ebangelista, o nakilala sa initial na "dummy account name" niya na "AE", at hindi nya magawang panumpaan! Kahit hindi ako abogado, naniniwala ako na hindi tatanggapin ng hukuman ang ganung klase, di umano na mga ebidensya! SAPAGKA'T HINDI MAITUTURING NA EBIDENSYA ANG GANUN! AT HINDI MAKATWIRAN NA TANGGAPIN, BILANG ISANG EBIDENSYA!

At nawa, kahit sa maliit na kaparaan na ito, ay mas naunawaan pa natin, na ang mahalaga ay huwag tayong pagagambala sa mapayapa nating paglilingkod at manatili po tayong panatag at matatag sa ating mga pagsamba sa Diyos, at sa pagganap natin ng ating mga tungkulin sa loob ng Iglesia, na ang isa nga sa ating mga tungkulin, ay ang banal na utos ng Diyos na nakasulat sa Banal na Kasulatan, patungkol sa gawaing pag-aabuloy o paghahandog.

Sapagka’t alam na alam po nating mga tunay na kaanib sa Iglesia Ni Cristo, na ito’y napakabanal na sagutin natin sa Diyos, na hindi po marapat kalimutan, at pabayaan, at alam rin po natin, na kapag tayo po ay nagkulang o natisod sa banal na gawaing ito, dahil lang sa mga naririnig natin sa iba, na MGA PARATANG NG MGA TIWALAG NA MINISTRO NA MGA HIWALAY NA SA DIYOS!, na walang ibang layunin, kundi yugyugin o guluhin ang ating mapayapang panglilingkod sa Diyos, ay tayo rin ang magkakasala sa harap ng Diyos. Dahil nga kapag ang sinuman sa atin, ay matitisod? Ay ANG DIABLO sa ating mga kaisipan! Upang tayo’y papagalinlangin at ligligin! At iyon ang magiging NAPAKALUNGKOT NA BAGAY NA AYAW NA AYAW PO NATIN NA MANGYARI SA ATIN. SAPAGKA’T, ALAM NA ALAM NAMAN PO NATIN, NA ANG GAWAING PAGAABULOY AT PAGHAHANDOG AY UTOS NG DIYOS, NA NAKASULAT SA BANAL NA KASULATAN.

Mabuti po ay atin sariwain ang tungkol sa bagay na ito, para sa kaalaman ng lahat, at magsilbing paalala, lalong-lalo na sa ating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. AT MAGSILBI RIN NA INSPIRASYON.

UTOS BA NG DIYOS ANG ISINASAGAWANG PAG-AABULOY SA MGA PAGSAMBA SA IGLESIA NI CRISTO?

Ang pag-aabuloy ay hindi aral o turo lamang ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo, ito ay utos ng Diyos sa kaniyang mga lingkod:

Hebreo 13:15-16 

"Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan." 

"Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod."

Ang gawang pag-aabuloy ay hindi utos lamang ng mga ministro sa Iglesia kundi ito ay utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Ito'y hindi dapat na kalimutan sapagkat isa ito sa mga haing kalugudlugod sa Kaniya. Kung paanong iniutos na handugan natin ang Diyos ng mga hain ng pagpupuri na bunga ng ating mga labi katulad ng pag-awit at pananalangin, iniutos din na huwag kalimutan ang pag-aabuloy. 


SA TULONG AT AWA PO NG ATING PANGINOONG DIYOS, NAWA PO AY NAKATULONG RIN PO SA ATIN ANG NAIBAHAGI NG BUKAS NA LIHAM NA ITO, PARA MAS LALO PO TAYONG MANGHAWAK SA ATIN PONG KARAPATAN at MANATILI ANG ATING MATIBAY NA KAUGNAYAN at BUONG PANININDIGAN SA PANIG NG PAMAMAHALA NG IGLESIA NI CRISTO, AT SA PANIG NG DIYOS, AT SA PANIG NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.

Samakatuwid, ito po ang mga bagay na ating natutunan…

1. ALAM PO NATIN NA ANG MATISOD at MAGPATISOD ay kasalanan sa Diyos. Kaya hindi marapat na matisod ang sinomang tunay na kaanib sa Iglesia Ni Cristo, kung sakali man na may kapatid na mapaparatangan di umano? tungkol sa mga usapin na may kinalaman sa pananalapi ng Iglesia, lalong lalo na, kung ito’y bunga pa lamang ng mga naririnig, mga paratang at sabi-sabi na walang sapat at matibay na batayan? At kung sakali man po, na may magkamali at matukso na ito ay malapastangan? ay sa Diyos siya direktang mananagot, at kanyang ginawa ay ipagsusulit niya sa harap ng Diyos. At kahit na yumaman pa siya bunga ng nagawang niyang kamalian o bunga ng kasamaan, o kahit na mapasakanya na ang buong sanlibutan at maging ng lahat ng kayamanan dito sa mundo? Ay alam natin, na mapapahamak rin sa bandang huli, ang kaluluwa ng taong iyon na gagawa ng masama? AT ANG PARUSANG WALANG HANGGAN NA IGAGAWAD NG DIYOS AY HINDING-HINDI MAIIWASAN NG TAONG ‘YON NA GAGAWA NG MASAMA SA PANINGIN NG DIYOS. At tayo pong lahat na mga Iglesia Ni Cristo, ay naglilngkod sa Diyos at hindi sa tao, kung kaya’t anoman ang maging kapintasan ng ating kapatid ay hindi marapat na katisuran.

2. Hindi marapat na pakialaman ang isang bagay na hindi naman po sa atin. Sapagka’ lahat ng inaalay natin na kusang handog na abuloy na inukol para sa Diyos, ay sa Diyos na iyon at hindi na sa atin. At tanging ang Pamamahala sa Iglesia, ang binigyan ng Diyos ng karapatan dito sa lupa upang manguna para sa Iglesia Ni Cristo, at sa pagsisinop ng pananalapi sa Iglesia, at kung may mga usapin tungkol sa bagay na ito, ay tanging ang Pamamahala lang ang dapat magpasya, kung ano ang marapat na gawin. At walang sinuman, na pwedeng manghimasok, o mangahas na pangunahan ang Pamamahala sa Iglesia, tungkol sa kung ano ang marapat na hakbang na gagawin, upang tugunan at ayusin ang anomang usapin? At hindi marapat pang pakialaman, sa anomang kaparaanan, ninoman na wala namang karapatan, kahit pa sabihin pang nagmamalasakit pa? Sapagka’t gaya nga ng nangyari, sa isang lingkod ng Diyos, na si Uzza, na masasabi nga natin, na tunay ngang nagmalasakit sa kaban ng Diyos, ngunit sa kanyang kamalian, ay pinatay pa rin siya ng Diyos.At kaya siya nasawi, ay hindi naman siya binigyan ng karapatan upang gawin ‘yon.

3.  Ang marapat na maghari sa ating mga damdamin, ay ang pagkamasunurin, at maging katangian ng ating mga puso ay, pusong mapagpakumbaba at hindi ang pusong bato na tinataglay ng mga ibang inalis ng Diyos sa Iglesia. At laging manatili sa ating mga kaisipan, ang lubos na pagsunod at pagpapasakop sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo. Dahil, para sa akin, mula pa pagkabata, ay wala pa akong nalaman o nabalitaan man lang na napahamak dahil sa pagsunod. Kundi, bagkus, ay napabuti pa nga ang kanilang mga buhay at pamumuhay.

4. Huwag po nating isusuko o ipagpapalit ang ating kahalalan bilang mga anak ng Diyos o ang ating pagka Iglesia Ni Cristo, na atin pong tunay na kayamanan, at pinakaiingatan, sa loob ng mahabang panahon, sa anumang bagay na pawang panlupa lamang. Sapagka’t alam naman natin na hindi madadala ang mga bagay na iyon, hanggang sa ating mga libingan. Ang ating pagka Iglesia Ni Cristo ay ating tunay na madadala at mababaon, sa ating mga libingan, at hanggang sa dakilang araw ng pagdating ng ating Panginoong Jesucristo.

5. Sa lahat po ng pagkakataon, ay ang dapat po na maghari sa atin, ay ang mga aral at utos ng Diyos, at huwag po natin payagan, na ang sarili nating mga kapakanan o sariling kagustuhan ang maghari, upang hindi po malagay sa alanganin, o sa panganib ang ating mga kahalalan bilang mga hinirang ng Diyos sa loob Iglesia Ni Cristo. At sa akin pong pananaw, hindi nagawa ng mga natiwalag na mga dating mga ministro sa Iglesia, ang magtanggi ng kanilang mga sarili, alang-alang sa pagsunod sa Diyos at sa pagpapasakop sa Pamamahala ng Iglesia, at hindi nila nagawang magpakumbaba, at ang mga sarili nilang kagustuhan, at ang galit at poot, ang namayani sa kanilang mga puso, kung kaya't hindi sila nakapanatili sa loob ng Iglesia, dahil sa inalis sila ng Diyos.

6. At dapat po nating bantayan ang ating mga puso, upang manatiling masunurin, mapagpasakop, mapagpakumbaba, matapat at higit sa lahat, namamalagi ang BANAL NA TAKOT SA DIYOS.



SA DIYOS PO NATIN, IBINABALIK ANG LAHAT NG KAPURIHAN…


ANG INYO PONG,


ABANG LINGKOD

THE CREATOR IS ALWAYS SUPERIOR TO THE CREATURE...THEREFORE, THE RULE OF LAW OF GOD IS ALWAYS HIGHER THAN THE RULE OF LAW OF MAN... Mababasa sa Banal na Kasulatan sa GAWA 5:29, Ganito ang sinabi ng mga Apostol ng ating Panginoong Jesucristo..."Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao."... Please read also this interesting blog... https://eracemapablojr.wordpress.com/2015/09/

Related link...
https://www.facebook.com/INC-and-UNITY-1689403281293103/


You're my Free Counter
Free Counter Visitor Locations of Site Visitors

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento