Jeremias 10:3 "Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka't may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng
palakol."
Jeremias 10:4 "Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng
mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos."
Jeremias 10:5 "Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita:
kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag
ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala
ring magagawang mabuti."
Isaias 44:13 "Naguunat ang anluwagi ng
isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa
pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan
ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.”
Isaias 44:14 "Pumuputol
siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina,
at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy
sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.”
Isaias 44:15 "Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha
siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto
ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at
sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan."
Isaias 44:16 "Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon
sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y
nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha,
ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:”
Isaias 44:17 "At ang labis niyaon ay ginagawa niyang
dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang
pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo
ako; sapagka't ikaw ay aking dios."
Isaias 44:18 "Hindi sila
mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga
mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag
silang mangakaunawa."
Isaias 44:19 "At
walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking
iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa
mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang
nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa
baga ako sa puno ng isang punong kahoy?"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento